Hindi available ngayon ang episode na ito.
Sa isang maulang gabi, ibinalita ang pagkakadiskubre sa ikatlong bangkay. Dalawang butas ang naiwan sa leeg. At isang bangkay na walang natirang kahit isang patak ng dugo. Sa parehong sandali, naiukit din sa leeg ni Julian ang kaparehong marka. Sa araw, isang doktor sa ER na nagliligtas ng buhay, si Dr. Vale. Sa gabi, isang lalaking bukal sa loob na nagbibigay ng sariling dugo para mapanatiling buhay ang iisang tao. "Hanggang kailan magiging ganito?" "Ang alin?" Nang araw na dumating ang detektib, ang araw na nalaman niyang kamukhang-kamukha niya ang biktima. Nawala si Evan nang tatlong araw. At sa madaling-araw ng Halloween. Bumalik si Evan na duguan ang mga kamay, habang nakangiti nang tila walang nangyari. Ano kaya ang itinatago ng kaniyang pananahimik? At hanggang saan kaya ang alam ni Julian…